dahilan inspirasyon at dahilan ng depresyon.

kapag nag mahal ka, ang hirap kontrolin ng nararamdaman mo lalo na kapag dumating sa puntong mahal na mahal mo na yung tao at halos sa kanya na nakadepende ang buhay mo.

sabi nga nila pag nagmahal ka magtira ka para sa sarili mo, pero dahil nga sa mahal mo yung tao minsan hindi mo napapansin eh wala na talagang natitira pa sa sarili mo sa sobrang pagmamahal mo sa kanya.

posted 1 month ago - 1 note - reblog
kung para sayo talaga ang isang tao, mawala man siya sayo sa kung ano mang dahilan o sa mahabang panahon, kapag tama na ang mali, at kapag pwede na ang hindi dapat.
posted 1 month ago - 0 notes - reblog
dalawa lang ang magiging dulo ng isang relasyon, kung magpapaksal o maghihiwalay kayo.

nasa dalawang taong nasa isang commitment kung paano nila papatakbuhin ang relasyon nila at kung ano ang kahihinatnan nito, kung ano man ang maging resulta tanggapin nalang natin ito. kung maging maganda ang resulta, magpasalamat ka dahil binigay siya sayo ng panginoon at kung hindi naman, baka hindi siya ang para sayo.

posted 1 month ago - 0 notes - reblog

hayaan niyong mamiss niyo ang isa’t-isa. minsan kasi nagiging dahilan ng break-up ng relasyon eh yung nagkakasawaan. sawaan ng mukha at ugali. isa pa, pwede rin itong makatulong para mag grow ang relasyon ninyo dahil mabubuild din yung trust at matetest naman yung loyalty sa isa’t-isa.

posted 2 months ago - 2 notes - reblog
kapag nag mahal ka dapat handa kang masaktan.

ganun naman kasi talaga. kapag nagmahal ka at dumating sa point na mahal na mahal mo na talaga yung tao, kahit ano gagawin mo para sa kanya.

minsan iisipin ng ibang tao nagpapakatanga ka, hindi nila alam sinusunod mo lang naman yung nararamdaman mo at nagiging masaya ka sa ginagawa mo. yun nga lang may mga pagkakataon na masasaktan ka talaga.

posted 2 months ago - 2 notes - reblog



1/2 »